Attitude of Gratitude

by Doc Rhoderick De Vera

Text: Colossians 3:17 (KJV)
“And whatsoever ye do in word or deed, do all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God and the Father by him.”

Introduction:

Mga kapatid, sino dito ang mahilig mag-‘thank you’? Pero aminin, minsan parang automatic nalang, ‘Thank you po, kuya.’ Sa driver. ‘Thanks, bes.’ Sa tropa. Pero tanong: Totoo bang tumatagos sa puso yung pasasalamat natin? Kasi minsan ang tunay na pasasalamat, hindi lang sa salita—dapat kita rin sa gawa. Ang gratitude ay hindi lang ‘Thank you, Lord!’ pag may blessing, kundi ‘Thank you, Lord!’ kahit may testing.

Main Question:
“Paano nga ba tayo makakapamuhay ng tunay na pasasalamat sa ating araw-araw na salita at gawa?”

1. The Scope of Gratitude (“And whatsoever” – the scope)


Grabe si Lord, hindi niya sinabing ‘Pag Sunday lang kayo magpasalamat’ o ‘Pag malaki yung blessing.’ Ang sabi sa bibliya, ‘whatsoever’—lahat! Mga kapatid, pasalamatan mo si Lord kahit naubusan ka ng paboritong ulam. Di ba nakakabusog pa rin ang biyaya Niya?”

“Kahit pa ‘and whatsoever’ ang pinag-uusapan, kung sa magigign mapagpasalamat tayo na nagsasabing, ‘Lord, salamat sa sardinas,’ or “Thank you sa tres na grade” atleast matututunan nating buksan ang puso ang ating puso, at pati na rin delata!”

2. The Step of Faith in Gratitude (“Ye do” – the step)

Hindi lang ito usapang ‘thank you’ sa isip o puso. Dapat may galaw. Pag sinabing ‘ye do,‘ ibig sabihin, gawin mo. Kung may tumulong sa’yo, huwag lang ‘like’ sa FB post nila—bumati ka, or magpasalamat ka ng personal! Kung kaya naman edi magpadala ng G-Cash!

Huwag yung parang invisible ka sa real life pero active sa reels life at group chat. Baka naman ‘ye post’ na lang ang alam mo kaysa ‘ye do’?

3. Speech of Praise in Gratitude (“In word” – the speech)

Mga kapatid, kung anu-ano na ang naririnig natin sa mundo ngayon. Minsan puro reklamo, chismis, at rant. Pero tanong: Naririnig ba ng iba yung ‘thank you, Lord’ mula sa atin? Gamitin natin ang salita natin para magpuri, hindi mag-complain.

Kung ang salita mo puro ‘Eh kasi naman…’ subukan mong gawing ‘Praise God kasi…’ Para next time, hindi complaint ang bukambibig mo kundi pasasalamat.

4. Service in Love (“Or deed” – the service)

Ang gratitude, hindi lang sinasabi—ginagawa. Kung tunay kang thankful, maglilingkod ka. Tulungan mo yung nangangailangan, kahit maliit na bagay. Kahit simpleng pagbuhat ng bag o paglilinis ng church.”

“Kasi kung magpasalamat ka lang pero tamad ka naman, ang tawag doon ‘lip service,’ hindi ‘life service.’ Para kang keyboard warrior na walang gawa!”

5. Sum of Actions (“Do all” – the sum)

Pag sinabing ‘do all,’ hindi lang ‘do some.’ Ang gratitude, walang pahinga. Lahat ng ginagawa mo, dapat may reflection ng pasasalamat mo kay Lord—sa trabaho, bahay, o kahit sa traffic.

Sa traffic, imbes na sumigaw ka ng ‘Ang bagal mo naman!’ sabihin mo nalang, ‘Salamat, Lord, di ako na-flatan o nasiraan!’ Perspective lang yan!

6. Sign of Commitment (“In the name” – the sign)

“Kapag ginagawa mo ang isang bagay ‘in the name of Jesus,’ hindi pwedeng pabara-bara. Kailangan with excellence, kasi hindi mo ito ginagawa para sa tao kundi para kay Lord.

Imagine mo kung si Jesus ang boss mo—mag-aabsent ka ba? O gagawin mo bang excuse yung ‘traffic’ pagdating mo sa langit?

7. Savior’s Influence (“Of the Lord Jesus” – the Savior)

Ang buhay natin dapat influenced ni Jesus. Ang pasasalamat natin, nakabase sa Kanyang halimbawa—sacrificial, selfless, at overflowing.

Hindi lang ito parang TikTok trend na susunod ka lang sa uso. Dapat si Jesus ang influencer ng buhay mo, hindi kung sino-sino lang!

8. Sincerity of Thanks (“Giving thanks” – the sincerity)

Kailangan totoo ang pasasalamat, hindi lang plastikan. Si Lord alam Niya kung sincere ka o hindi. Kaya kahit walang nakakakita, magpasalamat ka.

Yung iba kasi, ‘Thank you, Lord,’ pero sa utak nila, ‘Bakit ang konti naman?’ Mga kapatid, wag ganun, baka i-reveal ni Lord yung ‘real talk’ mo!

9. Source of Blessings (“To God” – the Source)

Lahat ng blessings galing kay Lord. Kaya kung thankful ka, wag mong kalimutan ang Source. Hindi mo pwedeng purihin ang gripo pero kalimutan ang may-ari ng tubig!”

Ang iba kasi, magpapasalamat sa bonus, pero pagdating ng Sunday, wala si Lord sa budget. Tamang-tama—‘Balik natin ang 10% kay Lord, kasi Siya naman ang may-ari ng 100%!’


10. Sovereignty of God (“And the Father by him” – the Sovereign)

Pasalamatan natin si Lord dahil Siya ang Sovereign. Ibig sabihin, Siya ang may hawak ng lahat. Kahit mahirap ang sitwasyon, pwede tayong magtiwala na hawak Niya tayo.

Kaya mga kapatid, pag may problema ka, wag kang mag-mukmok. Sabihin mo, ‘Lord, ikaw bahala. Alam ko, may happy ending ito kasi ikaw ang author and finisher as writer ng story ko!’

Conclusion:

Mga kapatid, ang tunay na gratitude hindi lang salita—ito’y nakikita sa gawa. Kaya gawin nating life motto ang Colossians 3:17: Lahat ng gagawin natin, gagawin natin bilang pagpapasalamat kay Lord. Tandaan, ang gratitude ay hindi lang attitude—it’s a lifestyle! Kaya, simula ngayon, ‘Grateful ever after’ tayo, mga kapatid!

Paguwi nyo, sabihan nyo ang kapitbahay nyo, ‘Thank you sa ingay mo, napapa-pray ako tuloy lagi!’

God bless, mga kapatid!

To God be the glory!

Mag aral ng kursong Homiletics for FREE!

anoorin ang step-by-step na pag-gawa sermon outline. May libreng hand-outs po yan. Maaari i-claim kung matapos mo panoorin ang buong course na may 13 video series. Contact mo si Doc Rhoderick de Vera kung natapos mo na.

Kung diploma habol mo sa Bachelor, Master at Doctorate. Subukan mag enroll sa super affordable na tuition: Check our tuition Fees!

Mag-aral ng FREE COURSE patungkol sa EXPOSITORY SERMON

Nais mo ba magkaroon ng powerpoint presentation nitong Exository Sermon Course? i-Avail sa halagang P350 lamang 200+ pages Powerpoint in PDF format. Contact Doc Rhoderick De Vera and send your concern.

TO GOD BE THE GLORY!

"Your online friendly bible school."