Hope in the Midst of Tears (Funeral Sermon)

๐—Ÿ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐—ป, ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป” (๐—›๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ ๐—ถ๐—ป ๐— ๐—ถ๐—ฑ๐˜€๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€) Text: 1 Thessalonians 4:13-18

By Rhoderick Alcaide De Vera

Mga kapatid, ang araw na ito ay puno ng mga damdaminโ€”lungkot, pighati, at pangungulila. Normal lang ang umiyak kapag nawalan tayo ng mahal sa buhay. Ang bawat luha ay tanda ng ating pagmamahal sa kanila. Ngunit sa kabila ng ating kalungkutan, hindi natin dapat kalimutan ang pag-asang hatid ng Salita ng Diyos.

Sa 1 Thessalonians 4:13-18, pinaalalahanan tayo ni Apostol Pablo: “Huwag kayong malungkot na tulad ng mga taong walang pag-asa.” Oo, may luhang dumadaloy, ngunit may pag-asang naghihintay. Ang kamatayan ay hindi wakas, kundi isang pintuan patungo sa isang mas maganda at walang hanggang buhay kasama si Kristo.

Samahan ninyo akong pagnilayan ang katotohanan ng Diyos sa oras na ito.

Ito ang tatlong salitang may pag-asa mula sa aklat ng Tesalonica:

Explanation: Alam ko, ang lamay ay hindi madali, lalo na pag nawalan ka ng mahal sa buhay. Pero hindi tayo malungkot lamang at iiwang tiwangwang at walang pag-asa.

Sinilst ni Apostol Pablo sa 1 Thessalonians 4:13, na โ€œhuwag tayong magluluksa na parang wala nang pag-asa.โ€

Kung may Pasko at Bagong Taon, may araw din ng pagluluksa pero di ito natatapos doon… Kailangan din ng pagbangon.

Ang kamatayan ay hindi huling araw โ€“ ito ay simula lamang ng araw sa totoong buhay sa piling ng Diyos. Ang luhang ito ay hindi magtatagal, parang itong ulan na lilipas din.

Illustration: Parang ang buhay ay isang comedy show: minsan puro drama, pero may ending na maganda. Bawat luha ay isang pahina ng kwento na may final na “happily ever after.”

Explanation: Si Kristo ang unang nagpakita ng halimbawa sa atin na may buhay pagkatapos ng kamatayan. Hindi lang siya namatay, nabuhay siya muli. Ang pagkamatay ay hindi ang katapusan ng kwento, kundi simula ng mas maganda pang kwento. Sa 1 Thessalonians 4:16, ipinangako ni Kristo ang muling pagkabuhay.

Kung may mga teleserye, na hindi palaging happy ending… Kay Jesu-Kristo, ang ending ay guaranteed na happy na eternally joyful pa

Baka iniisip natin, paano na lang kung hindi ko na sila makikita? Isipin mo yan kung wala ka na sa katinuan at sa kalooban ng Diyos. Dahil kung di ka umayos, sa impyerno ang iyong patutunguhan. Lahat naman tayo deserving sa hell…

Read

Romans 3:23 lahat ay nagkasala…

Romans 6:23 ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan… 2nd death tinutukoy dyan sa impyerno. Walang hanggang oagkahiwalay sa Diyos.

Pero May magandang balita dyan.

Ang magandang balita, sabi ni Pablo, magkakaroon tayo ng “reunion” sa langit! Ayon sa 1 Thessalonians 4:17, magiging kasama natin sila sa buhay na walang hanggan.

makakasama ka lamang kung May pananampalataya ka kay Jesus John 3:16

Para tayong nag-aabang sa โ€œreunionโ€ ng pamilya sa langit. Sigurado, masaya, walang matinding awayan, at sigurado, May handaan pero wala na ang baunan of Sharon “balutin mo ako” para iuwi ang Shanghai.

Nakaranas ka na ba ng reunion sa pamilya dito sa mundo?

May mas maganda pa dyan… yung family reunion kasama si Cristo!

Nawa wag mo ito mamiss- tanggapin natin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ng ating buhay, upang May karapatan tayong umuwi sa bahay ng ating Tatay sa langit.

Ending quote:

John 1:12 at John 14:6

Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ang buhay ay patuloy, at sa kabila ng luhang ito, may buhay na walang hanggan kay Kristo. Ipagpatuloy natin ang pananampalataya at ang pagmamahal na iniwan sa atin ng ating mahal sa buhay.

Ipagdasal natin ang ating mga mahal sa buhay, at samahan natin sila sa paglalakbay patungo kay Kristo. Huwag nating kalimutan na ang buhay ay may pag-asa, at ang bawat luhang ito ay maghahatid sa atin sa kaligayahan sa langit.

Mag aral ng kursong Homiletics for FREE!

anoorin ang step-by-step na pag-gawa sermon outline. May libreng hand-outs po yan. Maaari i-claim kung matapos mo panoorin ang buong course na may 13 video series. Contact mo si Doc Rhoderick de Vera kung natapos mo na.

Kung diploma habol mo sa Bachelor, Master at Doctorate. Subukan mag enroll sa super affordable na tuition: Check our tuition Fees!

Mag-aral ng FREE COURSE patungkol sa EXPOSITORY SERMON

Nais mo ba magkaroon ng powerpoint presentation nitong Exository Sermon Course? i-Avail sa halagang P350 lamang 200+ pages Powerpoint in PDF format. Contact Doc Rhoderick De Vera and send your concern.

"Your online friendly bible school."