“Mapusok”

Kwento ni: Rhoderick Alcaide De Vera

Maiksi

Isang araw, may isang magandang babae na nagngangalang Melba, senior highschool, at naging mapusok at pasaway sa magulang.

“Anak ayusin mo nga pananamit mo, para kang nagbebenta ng kaluluwa,” pangaral ng kanyang ina.” Isang gabi, dumating si Melba sa bahay na kasama ang besfren nitong si Selya na naghatid sa kanya pauwi mula sa barkada.

“Gabi ka nanaman umuwi. Lagi ka na lang ganyan, kailan ka ba magbabago Mel. Anak, magbago ka na, bahala ka, nasa huli ang pagsisisi,”

Isang araw, may isang magandang babae na nagngangalang Melba, senior highschool, at naging mapusok at pasaway sa magulang.

“Anak ayusin mo nga pananamit mo, para kang nagbebenta ng kaluluwa,” pangaral ng kanyang ina.” Isang gabi, dumating si Melba sa bahay na kasama ang besfren nitong si Selya na naghatid sa kanya pauwi mula sa barkada.

“Gabi ka nanaman umuwi. Lagi ka na lang ganyan, kailan ka ba magbabago Mel. Anak, magbago ka na, bahala ka, nasa huli ang pagsisisi,” sambit ng kanyang Ama bago pa makapasok si Melba sa loob ng bahay. Mahalatang di pinapaansin ni Melba ang mayamang pangaral ng tatay nya.

“Huy, makinig ka nga Melba,” sabi ni Selya na kanyang kaibigan.

“Paano ako makikinig, kahit gaano kaganda sinasabi nila pasigaw naman na sermon araw-araw ang inabot ko, ang lapit-lapit ko sa kanila pwede naman sabihin ng maayos bakit kailangan pa kasi sumigaw,” galit na bulong ni Melba kay Selya.

sambit ng kanyang Ama bago pa makapasok si Melba sa loob ng bahay. Mahalatang di pinapaansin ni Melba ang mayamang pangaral ng tatay nya.

“Huy, makinig ka nga Melba,” sabi ni Selya na kanyang kaibigan.

“Paano ako makikinig, kahit gaano kaganda sinasabi nila pasigaw naman na sermon araw-araw ang inabot ko, ang lapit-lapit ko sa kanila pwede naman sabihin ng maayos bakit kailangan pa kasi sumigaw,” galit na bulong ni Melba kay Selya.

Pasaway:

Kinabukasan, inulit nanaman ni Melba ang pangyayari at siya ay nasigawan nanaman sa harap ng kanyang mga kaibigan. Kaya’t alas-tres ng madaling araw, naisipang maglayas ni Melba at nakipanirahan sa kaibigan niyang si Selya sa daang-bakal doon sa baryo na katabi ng riles ng tren.

Sa bahay ni Melba:

Mahal, Di mo ba susunduin si Melba? Sabi ng ina ni Melba sa kanyang asawa. “Ilang beses na yan naglayas sundu-ajo ng sundo di rin naman nababago. Natututo sya maglayas, matuto din sya ngayon bumalik. Hayaan mo sya na matuto sa sarili nya. Baka sakaling magising sya sa katotohanan. Tsaka di naman siguro sya pababayaan ng Diyos.” Walang nagawa ang ina kahit labag sa loob nya ang sinabi ng kanyang asawa.

Mahal ka ng Diyos:

Isang hapon, inaya sya ng kanyang mga barkada na sumama sa tabing ilog.

Sa kabilang kanto ay naroon ang binatang pastor na mapusok na nangangaral,

“Magsisi kayo sa inyong kasalanan. Mahal kayo ng Diyos, tanggapin ninyo si Jesus bilang inyong tagapagligtas. Magsisi kayo habang di pa huli ang lahat, nasa huli ang pagsisisi ngunit kung ngayon pa lang magsisisi na kayo, wala na kayong dapat pagsisihan sa huli sapagkat pinatawad na kayo ng Panginoon” sigaw ni pastor.

“Nye nye nye, bla bla bla.. Andami mong sinasabi.” Pang asar ng mga kaibigang lalaki ni Selya.

Sa Kubo:

Pagdating nila sa isang kubo sa tabing ilog, inayang tumikim ng alak si Melba, “Tara shot tayo,” alok ni Selya. “Oo nga inom, tayo para masabi mo lahat ng sama ng loob mo sa magulang mo.” Akay naman ng mga kalalakihan. Napainom nga si Melba hanggang sa siya ay nalasing sa pagtikim ng alak na di pa nya kailanman natikman.

“Kahit kailan, di ako magiging tulad ng aking mga magulang. Kahit kailan tandaan n’yo yan,” Sambit naman ni Melba na tila baga isang tikim pa lang ay tinamaan na ng kalasingan. Maya maya, nagpaalam si Selya

“Tara na Melba lasing ka na.” “Di ako lasing, tsaka kaya ko na to malaki na ako. Iwan mo na ako dito,” tugon naman ni Melba. Naiwan si Melba na nag-iisang bebae. Nakakalungkot lang dahil niyurakan sya ng lalaking kasama sa inuman at iniwang sugatan ang puso’t pagkatao sapagkat sinamantala ng mga kaibigang lalaki ni Selya ang kanyang lasing na katawan.

Bunga:

Madaling araw umuwi na si Melba na may takot na pag-amin sa kanyang nagawang kasalanan at sa ginawa sa kanya dahil naisip nya na sya rin naman ang ugat ng nangyaring pananamantala. Kaya’t pinilit nyang kainin ang mapait na bunga ng katigasan ng ulo nito. Kinimkim ni Melba at pinili nyang manahimik sa kabila ng lahat, di naman kasi sya yung tipo ng tao na madaldal at walang maisektreto, kabaliktaran ito ng ugali ni Melba. Mahilig sya magkimkim ng nararamdaman.

Rico:

Mula sa trahedyang iyon, nabuo ang isang inosenteng buhay. Di nya nagawang umuwi dahil sa kahihiyan na kanyang ginawa. Nanatili syang nagmamatigas ang loob. Pinangalanan niyang Rico ang bunga ng pananamantala. Ang masaklap, ang sakit at galit na naramdaman ng babae sa sarili at sa mga nanamantala ay unti-unting nahubog sa kanyang pakikitungo sa anak niya habang ito ay lumalaki

Pitong taon na taon ang lumipas, habang nagkakaisip na ang bata, napansin ng mga kasama at kaibigan ni Melba ang di pagpansin at maling pagtrato sa kanyang anak. Marahil ang bawat galaw ng bata ay tila muling nagpapaalala sa kanya ng mga sugat sa puso at sa mapait na nakaraan na hindi pa naghihilom. Sa kabila ng lahat, si Rico ay laging nasa tabi ng kanyang mahal na ina, sa murang edad ay pinagsisilbihan sya at nauutusan pang bumili ng pagkain ng kanyang ina. “Umutang ka nga ng sigarilyo,” bangit ni Melba kay Rico. Takbo naman ang bata na si nahihiya. Ganyan sya masunurin sa kanyang mahal na inang si Melba.

Ipon:

Isang araw, lumapit ang anak na sobrang saya sa plano nitong magbigay ng maliit na regalong sandalyas na may pekeng dyamante na natipuhan ni Melba malapit sa palengke.

Dahil sa pagmamahal ni Rico sa kanyang ina, nag-ipon ito mula sa baon na binibigay sa kanya ni Selya. Ang iba namang pera nya ay mula pa sa mga naipon nya sa pangangalakal.

Upang masigurado kung sandalyas nga ba talaga ang gusto ng kanyang ina, naisipan na lang ni Rico na magtanong pagkauwi ni Melba.

“Haaaay, b*sit yang mga yan, di man lang makabayad ng utang.” Pagod na pagod at dismayadong pumasok sa pintuan si Melba dahil sinubukang maningil ng pagkakautang sa kanya upang may maihanda naman sya sa simpleng kaarawan. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang mainit na ulo, nilapitan sya ng sabik na anak.

“Mama, malapit na po ang birthday niyo! Ano po ang gusto n’yo? Gusto ko pong mapasaya kayo,” tanong ni Rico na may pananabik na mukha.

Ngunit sa halip na ngiti, isang galit na galit na salita ang bumungad. “Ang gusto kong regalo? Sana, mamatay ka na lang!” sigaw ni Melba na di man lang pinag-isipan na makakasakit sa kalooban ng bata, sabay kuha ng pamalo na nasa gilid ng bintana at inihampas sa marupok na katawan ni Rico. “Manahimik ka alam mong pagod ako!” Sigaw ng ina habang sumisigaw din ng “Mamaaa, mataas, tama na po. ayoko na po, tama na please. Araaaay!”

Ang Pagkuha:

Tumayong humihibik si Rico at tumakbo palabas ng bahay, bitbit ang kanyang notebook kung saan niya isinusulat ang kanyang mga iniipon at kanyang mga dalangin.

Kinuha nya ulit ang ballpen sa bulsa at muling nagsulat habang tumutuulo ang kanyang luha at bumulong sa panalangin:

“Diyos, mahal na mahal ko si Mama, pero bakit parang hindi niya ako mahal? Sana po, kung ikatutuwa niya, kunin N’yo na lang po ako. Kung ang pagkawala ko ang dahilan na mabago si Mama. Ayoko na po siyang masaktan kapag nakikita nya po ako.”

Habang naglalakad si Rico sa gilid ng riles, abala sa kanyang panalangin na nakayuko, hindi niya namalayang paparating na ang tren. Dahil mas malakas ang tinig ng sigaw ng kanyang pusong nananalangin sa Panginoong, di nya pansin ang lakas ng busina ng tren. At sa isang iglap, isang sabay sabay na sigaw ang umalingawngaw sa baryo. Aaaay ang bata….”

Si Melba ay naintrigang dumungaw sa bintana at biglang natulala sa tanawin, isang wasak na walang kalaban-laban na katawan ang iniwang bakas ng tren na kahit nag-iingay sa busina ay di kayang hintuan ang mala saranggolang katawan. Ang kanyang anak ay wala na. Sampung metro ang layo sa katawan ni Rico ay ang mga kamay na may hawak na notebook.

Mensahe:

Kinuha ito ng ina na di alam ang gagawin kundi maghintay ng kasama na tatawag ng mga pulis. Nanginginig na pumilas ng pahina ng notebook si Melba at tinakpan ang kamay ni Rico. Napatingin si Melba sa loob ng notebook at siya ay May nabasa:

“Mama, happy birthday po. Mahal na mahal kita. Pasensya na po kung palaging ako ang nagpapasakit ng puso n’yo. Sana po, kahit wala na ako, mapatawad mo ang sarili mo. Mahal kita, Mama. Mahal na mahal din po tayo ni Jesus. Lagi po sinasabi ni Jesus sa puso ko na magpatawad tayo. Sana po, patawarin mo na rin si Mama. Yan po ang naririnig ko kay pastor sa tabi ng riles na sigaw ng sigaw na magsisi daw tayo sa ating kasalanan. Ma, pinatawad ka na ni Jesus, nawa patawarin mo ang sarili mo. Sinabi sakin ni tita Selya kung bakit ka ganyan sakin. Nauunawaan kita ma. Pero kahit ganon ang trato mo sakin. Mahal na mahal pa rin po kita mama Melba.”

Pagsisisi:

Habang si Melba ay nakaluhod sa tabi ng riles, hawak-hawak ang notebook ni Rico at walang patid ang pag-iyak, may isang lalaking naglalakad papalapit sa kanya. Ang binatang pastor na madalas mangaral ng Salita ng Diyos sa tabi ng riles ng tren. Narinig niya ang alingawngaw ng sigaw ng mga tao at kitang kita rin ng kanyang mga mata ang nakapanlulumong nangyari kay Rico. Nilapitan ni pastor si Melba at naudyukan siya ng Banal na Espiritu na lumapit upang ipanalangin sya.

Habang papalapit si Rico ay rinig na rinig nito ang pagsisisi ni Melba.

“Patawad, Rico… patawad, nasa huli talaga ang pagsisisi!” paulit-ulit na sambit ni Melba habang hinahaplos ang pahina ng notebook.

Napuno ng awa si pastor sa kanyang nakita. Lumapit siya at mahinahong nagsabi, “Ate, mahal ka ng Diyos, at narito ako upang ipanalangin ka.”

Hindi sumagot si Melba, ngunit ibinaba ang notebook at tumingala kay pastor kahit luhaan. “Pastor, wala nang saysay ang buhay ko. Anak ko lang ang nagmamahal sa akin, pero ngayon, wala na siya. Paano pa ako patatawarin ng Diyos? Paano ko mapapatawad ang sarili ko?”

Panalangin:

Lumuhod si pastor sa tabi ni Melba, hinawakan ang kanyang kamay, at nagsimulang manalangin:

“Aming mapagmahal at mahabaging Diyos, kami po ay lumalapit sa Inyo ngayon para kay Melba, na lubos na nasasaktan. Panginoon, Ikaw ang Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagay, at alam Mo ang bigat ng kanyang puso. Patawarin Mo po siya sa lahat ng kanyang pagkukulang bilang magulang, at tulungan Mo siyang patawarin ang kanyang sarili.

Ama, maraming salamat po dahil kahit gaano kalaki ang aming kasalanan, ang Iyong biyaya ay higit na mas malaki. Katulad ng Iyong pangako sa 1 Juan 1:9, kapag ipagtatapat namin ang aming mga kasalanan, patatawarin Mo kami at lilinisin sa lahat ng aming karumihan. Sa oras na ito, Panginoon, punuin Mo po ang puso ni Ate Melba ng Iyong kapayapaan at pag-ibig.

Tulungan Mo rin po siya, O Diyos, na makita ang pag-asa sa gitna ng kanyang pighati. Palitan Mo ang kanyang mga luha ng kagalakan at ang kanyang takot ng pananampalataya. Ipaalala Mo sa kanya na si Rico ay nasa Iyong mapagmahal na kamay, at bagamat hindi na siya mababalikan, maaari pa rin siyang magsimula ng bagong buhay sa Iyo.

Panginoon, pagalingin Mo po ang kanyang sugat, at bigyan Mo siya ng lakas upang patawarin ang iba at maging ilaw sa kanyang kapaligiran. Gamitin Mo po ang kwento niya upang ipakita na walang sinumang nalayo sa Iyong biyaya. Salamat po sa pag-ibig na kailanman ay hindi nawawala. Sa pangalan ni Jesus, Amen.”

Pagkatapos ng panalangin, tahimik na yumakap si Melba kay Pastor, at sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang isang uri ng kapayapaang hindi niya pa naranasan.

Ano pong pangalan nyo pastor? Tanong ni Melba. “Rico, tawagin mo na lang akong pastor Ric.” Lalong napaluha at napayakap si Melba kay pastor dahil sa kapangalan ni pastor ang kanyang anak.

Patawad

Tinanggap ni Melba ang pangyayari at nabalitaan ito ng mga magulang ni Melba, pinauwi si Melba ng kanyang magulang at sumunod naman ito na May pagsisisi at.may pagpapakumbabang humingi ng tawad sa kanyang mga magulang. Tinaggap naman sya ng kanyang Ama at Ina na tinangis kasama si Melba dahil walang kamalay-malay ang mga magulang sa matinding trahedyang sinapit ng kanilang anak. Humingi rin ng tawad ang Ama at Ina ni Melba dahil napagtanto din nila na masyado silang malupit sa panenermon sa kanilang anak na di isinasaalang-alang ang damdamin ng kanilang anak sa pagsisigaw. Nakapagpatawaran naman sila ng sa isa’t-isa at naayos muli ang kanilang samahan bilang pamilya.

Pagbabago:

Sa mga sumunod na linggo, sinamahan ni Pastor Ric si Melba sa paghilom ng kanyang puso. Tinuruan siya ng Salita ng Diyos, at unti-unti niyang natutunang patawarin ang sarili at ang mga taong nakasakit sa kanya. Nagbalik-loob siya sa Diyos at naging aktibo sa pagtulong sa mga kabataan sa kanilang lugar, binibigyan ng paalala na umiwas sa masamang barkada at mamuhay nang may kabanalan.

Life Verse:

Sa huli, ginamit ng Diyos ang kwento ni Melba upang akayin ang iba sa kapatawaran, pag-asa, at bagong simula kay Cristo. Siya ay naging isang testamento ng biyaya at pag-ibig ng Diyos na walang hanggan.

Naging paboritong sitas sa Bibliya ni Melba ang 2 Corinto 5:17 “Narito, ang lumang mga bagay ay lumipas na; narito, ang lahat ng mga bagay ay naging bago.” Ang ganda naman po ng memory verse nyo ate Melba, sabi ng isa sa mga kabataan. “Hindi memory verse ito, life verse ko yan,” tugon ni Melba. “Ano naman po pinagkaiba ng dalawa?,” tanong ng bata.

“Ang memory verse, nagandahan ka lang sa pangako ng Diyos kaya isinasaulo natin dahil gusto natin ito maranasan. Ang life verse naman ay mga pangako ng Diyos na naranasan na natin kaya nakabisa at isinasapamuhay natin ito at dahil hindi sa utak ito nakatatak, kundi sa puso natin.”

Panibagong Simula

Pagkatapos ng trahedyang sinapit ni Melba, unti-unti siyang natutong bumangon sa tulong ng Diyos at ng patuloy na suporta ni Pastor Ric. Sa bawat araw na lumipas, mas lalo siyang nahubog sa pananampalataya at pag-asa. Sinimulan niyang dumalo sa mga gawain sa simbahan at aktibong tumulong sa mga kabataan, pinapalaganap ang mga aral mula sa kanyang natutunan sa kanyang mapait na karanasan.

Misyonero

Habang abala si Melba sa ministeryo, palagi niyang kasama si Pastor Ric. Naging malapit sila sa isa’t isa dahil sa kanilang layuning tulungan ang mga kabataan at magdala ng mas marami pang kaluluwa sa Panginoon. Sa bawat misyon na kanilang tinutulungan, mas naramdaman ni Melba ang tunay na pagmamalasakit ni Pastor Ric, hindi lamang bilang isang espirituwal na gabay kundi bilang isang tunay na kaibigan.

Seryoso

Isang araw, habang nasa isang programa para sa kabataan sa baryo, pansamantalang naupo si Melba sa tabi ni Pastor Ric. Napansin niyang tila tahimik ito, na hindi karaniwan.

“Pastor, mukhang malalim ang iniisip n’yo,” biro ni Melba.

Ngumiti si Pastor Ric, ngunit ang kanyang mga mata ay seryoso. “Melba, matagal ko nang gustong sabihin ito. Sa mga nakaraang buwan, nakita ko kung paano ka binago ng Diyos. Ang tapang mo, ang pagmamahal mo sa mga tao, at ang pagsunod mo sa Kanya—napahanga ako. Ngunit higit doon, nararamdaman kong… mahal kita.”

Payapa

Nabigla si Melba, ngunit sa kabila ng kanyang kahinaan, naramdaman niya ang kapayapaan sa kanyang puso. Alam niyang si Pastor Ric ay may dalisay na intensyon. “Pastor,” sagot niya habang tumutulo ang kanyang luha, “hindi ko alam kung karapat-dapat pa akong magmahal muli, ngunit kung ito’y plano ng Diyos, magtitiwala ako.”

Lingkod

Simula noon, naging mas malalim ang kanilang relasyon. Pinili nilang patuloy na maglingkod sa Diyos nang magkasama. Sa bawat araw, natutunan nilang mahalin ang Diyos nang higit pa sa isa’t isa, at ang kanilang pagmamahalan ay naging patunay ng biyaya at kagandahang-loob ng Panginoon.

Kasalan

Pagkalipas ng isang taon, sa isang payak ngunit makabuluhang seremonya, ikinasal sina Melba at Pastor Ric sa harap ng kanilang simbahan at ng mga kabataang natulungan nila. Sa kanilang panata, ipinangako nila na itatayo ang kanilang pamilya sa matibay na pundasyon ng Salita ng Diyos.

Panata ni Melba:

“Pinangako ko sa Panginoon na ang buhay ko ay magiging handog sa Kanya, at ngayon, ipinapangako ko rin na aalagaan kita, Pastor Ric, bilang katuwang sa ministeryo at buhay. Maglilingkod tayo sa Kanya, magkasama, hanggang sa wakas.”

Panata ni Rico:

“Melba, ikaw ay patunay ng biyaya ng Diyos. Pinapangako ko na mamahalin kita tulad ng pagmamahal ni Cristo sa simbahan—buong-puso at walang pasubali. Gagamitin natin ang ating buhay upang paglingkuran Siya.”

Bahay Pag-asa:

Bilang mag-asawa, binuksan nila ang isang simpleng tahanan na yari sa pawid at kawayan para sa mga batang lansangan sa kanilang lugar, na tinawag nilang “Bahay ng Pag-asa.” Pinili nilang gawing inspirasyon ang buhay ni Rico upang magbigay ng bagong simula para sa mga kabataang nawalan ng pag-asa. Sa bawat bata na natutulungan nila, nakikita ni Melba ang pag-ibig ng Diyos na bumubuo sa mga sirang puso. Simple man ang panimualain, umaasa sila at nananalig na ang Diyos ay di natutulog at magkakaloob sa kanila ng mas magandang bahay ampunan at ang kanilang binabanggit ay “Jehovah Jireh, God will provide.”

Mula sa trahedya hanggang sa tagumpay, si Melba at Pastor Rico ay naging liwanag sa madilim na mundo, patunay na sa biyaya ng Diyos, walang sinuman ang huli na para sa isang bagong simula.

“Ang Diyos ang gumagawa ng lahat ng bagay upang magtapos sa kabutihan ng mga umiibig sa Kanya.” (Roma 8:28)

—————WAKAS na! Sa WAKAS!————-

Bilang Anak:

1. Magpakatino sa Pananamit at Pananalita

“Huwag ninyong gawing dahilan ang inyong kabataan, kundi maging huwaran kayo sa pananampalataya, sa pag-ibig, sa pananampalataya, at sa kalinisan.” (1 Timoteo 4:12)

Bilang anak, sikapin nating magsuot ng marapat at magpamalas ng tamang asal sa salita at gawa, bilang respeto sa ating sarili at sa ating mga magulang.

2. Iwasan ang Masasamang Barkada

“Ang masamang kasama ay sumisira ng magandang ugali.” (1 Corinto 15:33)

Ang pagbagsak ni Melba ay nag-ugat sa maling impluwensya ng barkada. Pumili ng kaibigan na maghahatid sa’yo palapit sa Diyos, hindi sa kapahamakan.

3. Sumunod sa Magulang

“Igalang mo ang iyong ama at ina, upang ikaw ay mabuhay nang mahaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon.” (Exodo 20:12)

Ang pagsunod at paggalang ay biyayang nagbubukas ng masaganang buhay sa kalooban ng Diyos.

Bilang Magulang:

1. Turuan at Ituwid ang Anak Nang May Pagmamahal

“Ituro mo sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hindi niya ito tatalikuran kahit siya’y tumanda.” (Kawikaan 22:6)

Ang pagsigaw ni Melba ay bunga ng sariling galit na hindi pa naghihilom. Ang tamang pagtutuwid ay nagmumula sa pagmamahal, hindi sa galit.

2. Iwasan ang Pagkimkim ng Sama ng Loob

“Ang sinumang nagpapatawad ay umiibig, ngunit ang nagkikimkim ng galit ay nagpapakita ng kasamaan.” (Kawikaan 10:12)

Ang hindi pagpapatawad ni Melba sa kanyang sarili at sa iba ay nagtulak sa kanya sa maling pagtrato sa anak. Ang pagpapatawad ay susi sa tunay na kapayapaan.

3. Magpakita ng Mapagpatawad na Pag-ibig

“Mga magulang, huwag ninyong galitin ang inyong mga anak, kundi palakihin ninyo sila sa disiplina at tagubilin ng Panginoon.” (Efeso 6:4)

Ang mapait na karanasan ni Melba ay hindi sapat na dahilan upang ipasa ang sakit sa anak. Ang tamang disiplina ay nagpapahayag ng habag at pag-ibig.

Mga Aral ng Diyos Mula sa Trahedya

Sa hindi inaasahang pangyayari, si Rico ay kinitil ng aksidente, ngunit iniwan niya ang mahalagang mensahe ng pagpapatawad. Ang kwento ay nagtuturo na:

1. Ipagkatiwala ang Nakaraan sa Diyos

“Ngunit kung ipagtatapat natin ang ating mga kasalanan sa Diyos, patatawarin Niya tayo at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan.” (1 Juan 1:9)

Ang pagpapatawad ng Diyos ay sapat upang mapalaya tayo mula sa mga sakit ng nakaraan.

2. Hayaan ang Espiritu Santo na Gumabay

“Hayaan ninyong ang Espiritu ang magkontrol sa inyong buhay upang hindi ninyo masunod ang hilig ng laman.” (Galacia 5:16)

Ang pagbabago ay posible kung hayaan nating ang Diyos ang maghari sa ating puso.

3. Ipahayag ang Pag-ibig ng Diyos

“Pag-ibig ang magtitiis ng lahat ng bagay, magtitiwala, mag-aasam, at magtatagumpay sa lahat.” (1 Corinto 13:7)

Gaya ng ginawa ng pastor sa kalsada, matapang niyang ipinapahayag ang pagsisi at ang mabuting balita ng pagtanggap at pagmamahal ni Jesus sa sangkatauhan. Huwag din tayong manahimik sa pagpapahayag ng pagmamahal sa ating pamilya. Ang bawat araw ay pagkakataon upang magbigay ng kasiyahan at kagalakan sa kanila.

Tulad ni Rico, tayo’y tinatawag ng Diyos na magmahal, magpatawad, at magtiwala sa Kanya.

Kung ikaw ay nakakaranas ng sugat ng nakaraan o galit sa iyong puso, lumapit ka kay Jesus. Siya ang nag-aalok ng kapatawaran, pag-ibig, at bagong simula. Patawarin mo ang iyong magulang of kung ikaw naman ang nagkamali, patawarin mo rin ang iyong sarili

Nakakapagod ang magkimkim ng sama ng loob, makinig tayo sa sabi ni Jesus.

“Halika sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.” (Mateo 11:28)

Aral mula sa Kabanata 2: Isang Panibagong Simula

1. Ang Diyos ay Laging May Plano

Sa gitna ng matinding trahedya, laging may nakahandang plano ang Diyos para ituwid ang ating landas at bigyan tayo ng bagong simula. Ang buhay ni Melba ay isang patunay na ang Panginoon ay kumikilos sa kabila ng ating mga pagkakamali.

“Sapagkat ako’y nakakasiguro na ang mga pighati natin sa kasalukuyan ay hindi karapat-dapat itulad sa kaluwalhatiang ihahayag sa atin.” (Roma 8:18)

2. Pagbabago ay Posible

Ang pagbabagong-loob ni Melba ay nagpapakita na kahit sino, gaano man kalalim ang pagkakasala o kabiguan, ay kayang baguhin ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsunod sa Kanyang kalooban.

“Kaya’t kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya’y isang bagong nilalang; ang mga luma ay naparam na; narito, ang lahat ng mga bagay ay naging bago.” (2 Corinto 5:17)

3. Pag-ibig na Nagmumula sa Diyos

Ang pagmamalasakit at gabay ni Pastor Elias kay Melba ay nagpapakita ng tunay na kahulugan ng Kristiyanong pag-ibig: ito ay mapagpasensya, dalisay, at nakatuon sa kapakanan ng iba.

“At ang Diyos ay pag-ibig; at ang sinumang namumuhay sa pag-ibig ay namumuhay sa Diyos, at ang Diyos ay nasa kaniya.” (1 Juan 4:16)

4. Maglingkod sa Diyos Nang Magkasama

Ang kanilang ministeryo bilang magkaibigan, at kalaunan ay magkasama sa pag-ibig, ay nagpapakita na mas mainam ang paglilingkod sa Diyos nang may katuwang na parehong nananampalataya at naghahangad na dalhin ang iba sa Panginoon.

“Dalawa ay mas mabuti kaysa isa; sapagkat mayroon silang magandang gantimpala sa kanilang pagpapagal.” (Eclesiastes 4:9)

5. Patawad at Pagpapatawad

Sa bawat relasyong binuo sa kabanatang ito, ipinapakita na ang pagpapatawad ay mahalaga, hindi lamang para sa kapwa kundi para sa sarili, upang magpatuloy sa mas masaganang buhay na inihahandog ng Diyos.

“Magpatawad kayo sa isa’t isa, kung paanong pinatawad kayo ng Diyos kay Cristo.” (Efeso 4:32)

6. Pag-asa sa Kabila ng Lahat

Ang “Bahay ng Pag-asa” na binuo nina Melba at Pastor Elias ay nagiging simbolo ng pananampalataya sa Panginoon—na anumang sugat o pagkakamali ay kayang gawing inspirasyon at pag-asa sa iba.

“Ang mga matuwid ay kumikilos ayon sa kanilang pananampalataya, at sa bawat hakbang ay pinapakita ang pag-asa sa kanilang buhay.” (Habakuk 2:4)

“Ang Diyos ang gumagawa ng lahat ng bagay upang magtapos sa kabutihan ng mga umiibig sa Kanya.” (Roma 8:28)

Ibahagi ang kwentong ito upang magbigay-liwanag sa mga anak at magulang na nagmamahalan ngunit kailangang magsisi at magpatawad. Mention mo sila hangga’t maaari.

Maaari ka rin mag-iwan ng komento sa ibaba!

TO GOD BE THE GLORY!

Paano Gumawa ng Organisadong Sermon Outline? Panoorin ang Step-by-step Method How to Make a Sermon Outline

Alam mo na ba ang ibig-sabihin ng Music? Praise? and Worship Mula sa Old and New Testament? Panoorin ng libre ang buong kurso patangkol dito.

"Your online friendly bible school."