Rediscovering Divine Rest (Matthew 11:28/Hebrews 3:7-19)

Passage: Hebrews 3:7-19/ Matthew 11:28
“But exhort one another daily, while it is called To day; lest any of you be hardened through the deceitfulness of sin.” v13
Sermon Outline by Doc. Rhoderick Alcaide De Vera

Alam niyo ba, mga kapatid, minsan tayong mga Kristiyano, para tayong nasa buffet. Ang daming blessings sa harap natin—‘rest,’ ‘peace,’ at ‘provision’—pero dahil sa ‘unbelief,’ hindi natin makuha. Parang nag-i-expect ka ng lechon sa fiesta, pero tinik sa bangus ang dumating kasi hindi ka naniwala na darating si lechon! Kaya today, pag-usapan natin ang faith at paano natin maiiwasan ang unbelief na nakakawala ng ‘rest’ or peace of mind from the Prince of Peace, Jesus Christ, dahil sa unrestful thinking. Remember His promise sa Matthew 11:28 Lapit daw tayo sa kanya at tayo’y makakaKamit ng kapahingahan nguni’t bakit maraming Christians ang tila baga kung maghabol sa buhay parang walang patutunguhan? Ang mensaheng ito ay para sa lahat.

Ito ang limang mahalagang mga bagay na matututunan natin mula sa ating given text:

Ang bansang Israel, nasa tapat na ng Promised Land, pero hindi pa nakapasok doon. Bakit kaya? Kasi nga nagmaktol sila! (Readn Numbers chapter 14-15) Imbes na magtiwala kay Lord, ang sinabi nila, ‘Wala na kaming tubig, wala na kaming pagkain! Sana hindi na lang kami umalis sa Egypt!’ Naku, mga kapatid, parang sinabi na sa’yo ng boss mo na ikaw ang next na mapo-promote, pero dahil nag-doubt ka, tinanggal mo ang application for promotion mo!
Lesson? “Trust the process, kapatid kahit kabaliktaran pa ng ineexpect mo ang nangyayari, God is still at work.”


Ang sabi sa verse 13, ‘Encourage one another daily.’ Dito tayo sablay minsan! Imbes na mag-encourage sa isa’t-isa, ang hilig natin mag-sabihan si Brod or Sis ng, ‘Sabi ko na nga ba ayaw mo maniwala eh!’ Actually, condemnation style na din yun. Di yun nakakatulong kahit totoo pa yan.

Next time, imbes na pintasan mo si kapatid na nagkamali, sabihan mo: ‘Go lang, bes! Ang faith parang kape—strong dapat! Hayaan mo, this time makukuha, makakamtan, matatapos, mo na yan, PADAYON!’”

“Ang ganda ng reminder dito: ‘Today, if you hear His voice, do not harden your hearts.’ Mga kapatid, huwag mong sabihin kay Lord, ‘Wait lang, busy ako.’ Kahit alam mo na ngang may calling ka, pero ang sagot mo, ‘Lord, baka next year na lang?’ Aba, baka magulat ka na lang, si next year dumating pero walang promo!” Pati sa life mo baka di mo makuha PROMOTION MO! Dating excuse ginagamit mo kaya dating ikaw at dating blessing pa rin makakamtan mo. No progress kasi puro ka delay sa response sa calling mo kayo Lord.
Kapag kumakanta tayo ng “with all I am,” “Here, I am Lord,” “I surrender all,” or “yes, Lord” sana wag sa nguso lang, dapat sa puso din tapos totohanin natin. Amen?

Ang unbelief, parang online scam yan gaya ko naScam ng daang libo before pandemic.

‘Magtiwala ka lang, kikita ka ng 100K overnight double your money!’

Eh ayun, ako naman itong utu-ito, naniwala sa fake kaysa kay Lord. Tapos nung wala ako makuhang promise na double your money, tinanong ko si Lord “BAKIT AKOOOH LORD? In the first place, choice ko yun?

Mga kapatid, wag tayong tulad ng mga Israelites na nagrebelde. Wag pauto sa madayang alok ni Satanas, lalo lang tayo mahihirapan s buhay at mababaon sa utang. Lalo na sa utang na loob na di mabayad-bayaran. 🙂 Inquire God always before deciding something. Kahit para sa ministry pa yan kung walang leading, have a courage to say “NO” to the world and “YES” to God’s word!


Sabi sa dulo, hindi sila nakapasok sa restful place na promise land dahil sa unbelief. Biruin mo yung 40days journey (Numbers 13:25) naging 40years wandering (Numbers 14:33) dahil sa unbelief at negativity na kumalat from ten spies.
Pero alam mo, kapag may faith ka gaya ni Caleb at Joshua, ibang level ang reward!

Parang nanalo ka sa raffle kahit hindi ka bumili ng ticket kasi si Lord ang direct nag-sponsor!

Di mo kailangan sumugal sa alok ng mundo, kailangan mo lang magtiwala sa sinabi ni Jesus na bibigyan nya tayo ng kapahingahan sa mga pagpapagal na ito. (Mateo 11:28)


Kaya mga kapatid, wag tayong tumulad sa Israel na malapit na, napalayo pa. Magtiwala po tayo kay Lord! Tandaan natin, ang faith hindi optional—‘Today, if you hear His voice, respond kaagad. Kasi baka bukas, iba na ang blessings mo kaya wag natin palampasin ito, AMEN?

Remember, mga bro and sis:
“Faith is like a Wi-Fi. Kahit hindi mo nakikita, connected ka pa rin kasi alam mong may signal kaya clear ang words ni Lord at may trust tayo doon delay man minsan of bumabagal, sure win pa rin tayo dyan ipag-pray lang natin na walang delay if ever meron man just prepare your heart to receive God’s promises!”
.
Kung nasabi nya ito kay Habakkuk, for sure ganito din mindset ng Lord for us,
“‭Isulat mo muna ito dahil hindi pa dumarating ang takdang panahon para mangyari ito. Ngunit hindi magtatagal at tiyak na mangyayari ito. Kahit magtagal nang kaunti, hintayin mo lang, dahil tiyak na mangyayari ito sa takdang panahon.” Habakkuk 2:3

To God be the glory!

Mag aral ng kursong Homiletics for FREE!

anoorin ang step-by-step na pag-gawa sermon outline. May libreng hand-outs po yan. Maaari i-claim kung matapos mo panoorin ang buong course na may 13 video series. Contact mo si Doc Rhoderick de Vera kung natapos mo na.

Kung diploma habol mo sa Bachelor, Master at Doctorate. Subukan mag enroll sa super affordable na tuition: Check our tuition Fees!

Mag-aral ng FREE COURSE patungkol sa EXPOSITORY SERMON

Nais mo ba magkaroon ng powerpoint presentation nitong Exository Sermon Course? i-Avail sa halagang P350 lamang 200+ pages Powerpoint in PDF format. Contact Doc Rhoderick De Vera and send your concern.

for as low as P1750 for the whole Certificate Course (15 units) and be with us in face to face graduation (pwede rin online graduation lang kapag busy at di ka makarating). We have currently 200+ officially enrolled students worldwide!

WATCH OUR MAY 1st 2025 GRADUATION DAY!

NEXT YEAR IKAW NAMAN KASAMA NAMIN!

"Your online friendly bible school."