
Ang Diyos ba ang Author o Creator ng Kasalanan? 🤔
Tara, let’s go deep but with konting humor lang para di masyado mabigat. Kung ang Diyos ang lumikha ng lahat, ibig bang sabihin Siya rin ang lumikha ng kasalanan? Ang sagot ay hindi. Hayaan nating ang Bible ang magbigay-liwanag.
1. Hindi Siya Author ng Kasalanan.
“Let no man say when he is tempted, I am tempted of God: for God cannot be tempted with evil, neither tempteth he any man.”
(James 1:13, KJV)
Hindi kasalanan ang galing sa Diyos, kasi hindi Siya puwedeng maakit sa masama o mag-akit ng kasamaan. Siya ang banal, hindi yung “banas.”
2. God Allowed Free Will.
Ang Diyos ang lumikha ng free will, pero tao ang pumili ng kasalanan. Sa Garden of Eden, binigyan Niya ng choice sina Adam at Eve (Genesis 2:16-17). Hindi sinabing, “Hoy, kainin niyo ang prutas ha, sige lang kainin nyo lang at nang malaman nyo ang magiging resulta!” Ang instruction malinaw “huwag kakain…”, pero ang choice? Nasa kanila.
3. Sin Entered Through Man, Not God.
“Wherefore, as by one man sin entered into the world, and death by sin; and so death passed upon all men, for that all have sinned.” (Romans 5:12, KJV)
Si Adam ang naging “gateway” ng kasalanan, hindi si Lord. Ang Diyos ang gumawa ng tamang sistema, pero ang tao ang pumili ng shortcut na puno ng kasalanan. Hashtag – #PoorLifeChoices
4. God is Sovereign, Not the Source of Evil.
Teka, baka tanong mo, “Eh bakit hinayaan ng Diyos na magkasala ang tao?” Sagot: Dahil gusto Niya ng tunay na pagmamahal, hindi parang robot tayo na programmed na mahalin Siya at kung ano lang ang idinikta, yun lang gagawin. Kung walang choice, hindi love yun—parang scripted k-drama lang kung magkagayon.
“Thou art of purer eyes than to behold evil, and canst not look on iniquity…”
(Habakkuk 1:13, KJV)
Diyos = Purity.
Kasalanan = Anti-God.
Malinaw, walang connection si Lord sa pagiging “creator” ng kasalanan.
5. Jesus Solves the Problem.
Ang ganda nito: Ang Diyos, bagama’t hindi Siya author ng sin, Siya ang nagsolve ng consequence nito. Pinadala Niya si Jesus, ang Kanyang bugtong na Anak… para magbayad ng utang na hindi natin kayang bayaran.
“For he hath made him to be sin for us, who knew no sin; that we might be made the righteousness of God in him.”
(2 Corinthians 5:21, KJV)
Diyos ang nagrescue sa atin mula sa kasalanang hindi Niya ginawa. Ang kasalanan ay bunga ng disobedience ng tao, pero ang grace at salvation ay nanggaling sa Diyos.
Panghuli: Kung may “Creator” ang sin, hindi si God yun.
Si Satan ang “originator” (John 8:44), pero ang tao ang naging willing accomplice. Kaya ang tamang term: “Sin exists because of man’s disobedience and the devil’s deception.“ Pero ang Diyos? Siya ang gumagawa ng paraan (hindi kasalanan) para tayo’y bumalik sa Kanya.
Nakangiti si Lord habang sinasabi Niya:
“For I know the thoughts that I think toward you, saith the Lord, thoughts of peace, and not of evil, to give you an expected end.”
(Jeremiah 29:11, KJV)
Walang kasalanan si Lord—love at redemption ang specialty Niya. Wag po natin syang idamay! Have a blessed day to all! 🙌
TO GOD BE THE GLORY!
MOBILE BIBLE SCHOOL INC FREE TO VIEW SUBJECTS
Paano Gumawa ng Organisadong Sermon Outline? Panoorin ang Step-by-step Method How to Make a Sermon Outline
Alam mo na ba ang ibig-sabihin ng Music? Praise? and Worship Mula sa Old and New Testament? Panoorin ng libre ang buong kurso patangkol dito.