Mapagpalang Araw, mga Kapatid!
Nasa mundo tayo na puno ng hamon, kalituhan, at paghahangad ng tunay na kapayapaan ngayon. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may isang mensahe ng pag-asa na patuloy na kumikinang—ang Mabuting Balita! Dito, tatalakayin natin ang dalawang malalim na katotohanan mula sa Biblia: Ang Gospel of ebanghelyo ni Jesu-Cristo para sa kaligtasan ng ating kaluluwa.
Ang Ebanghelyo ng Kaharian ay nagsasabing may magandang balita tungkol sa paghahari ng Diyos sa ating mga buhay. Siya ang Hari at nais Niyang gawing buo ang ating relasyon sa Kanya. Ang Kanyang layunin? Ipamahagi ang Kanyang pag-ibig sa buong mundo. Hindi lang ito basta kingdom, kundi isang kaharian ng pagmamahal, kagalakan, at pag-asa.
Samantalang, Ang Ebanghelyo ng Biyaya naman ay nagsasabi ng tungkol sa hindi-mabilang na pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos. Ito ay nagpapakita na tinatanggap tayo sa Kanyang kaharian hindi dahil sa ating sariling mga gawa, kundi dahil sa Kanyang walang-hanggang biyaya at habag. Pumunta tayo kay Jesus, hindi para mag-ehersisyo ng “works of the law” kundi dahil tayo ay ligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya! Hindi po ito dahil magaling tayo, kundi dahil magaling si Jesus!
Sa webpage na ito, layunin naming iparating ang makapangyarihang ebanghelyo na ito sa puso ng bawat Filipino. Nais namin kayong hikayatin, turuan, at bigyan ng lakas upang mamuhay na may pananampalataya, biyaya, at sa ilalim ng Kaharian ng Diyos. Samahan niyo kami habang sumisisid tayo sa mga Kasulatan at mararanasan ang masaganang buhay na ipinangako ng Diyos!
Tandaan, mga kapatid, hindi tayo maliligtas dahil sa ating mga gawa, kundi dahil kay Jesus Christ, ang tanging Tagapagligtas na nag-alay ng Kanyang buhay para sa katubusan ng ating mga kasalanan. Siya lang ang daan, ang katotohanan, at ang buhay (Juan 14:6). Kaya’t huwag mag-alala, kahit medyo “pasaway” tayo minsan, si Jesus ang ultimate solustion sa lahat ng problema natin. Si Jesus lang talaga as in dahil sa mundo walang forever, pero pag may Jesus ka sa buhay, may forever living tayong makakamtan!