ni Doc Rhoderick A. De Vera
𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚𝗔 𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞 𝗙𝗥𝗜𝗗𝗔𝗬? 𝗧𝗲𝗸𝗮, 𝗽𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗸𝗼 𝘀𝗮𝗴𝗹𝗶𝘁!
Madalas mo itong makita sa mga ads sa social media o mainstream media: “Sale! 50% off!” Pero ano nga ba talaga ang Black Friday? At saan ito nagmula? Noong 1869, hindi shopping ang Black Friday, kundi crisis! Dalawang negosyante, sina Jay Gould at James Fisk, ang nagtangkang kontrolin ang merkado ng ginto. Ang ending? Bagsak ang ekonomiya—literal na “black” ang araw na iyon para sa maraming tao. Pagdating ng 1950s, ginamit ang “Black Friday” sa Philadelphia para ilarawan ang kaguluhan. Imagine mo, dagsa ang mga tao pagkatapos ng Thanksgiving—may football game, may sale, at may traffic na parang EDSA rush hour. Kaya’t parang kalbaryo para sa mga pulis ang araw na ito.
Pero noong 1960s, naisip ng mga negosyante: “Hmm… paano kaya natin gagawing positive ito?” Kaya’t sinabi nila na ang “Black Friday” ay ang araw kung kailan ang mga negosyo ay kumikita o “nagiging black” sa accounting (black = kita, red = lugi). Ang resulta? Isang shopping tradition na ikinatuwa ng mga mahilig mag-sale hunt—at ikinaiyak ng kanilang wallets!
Ngayon, ang Black Friday ay isa nang malaking event sa buong mundo, puno ng promosyon at doorbuster deals.
Pero bilang Kristiyano, paano natin ito dapat tingnan? Ano ang sinasabi ng Bibliya? Sabi sa Colosas 3:2, “Ituon ninyo ang inyong isipan sa mga bagay na nasa langit, hindi sa mga bagay na nasa lupa.” In short: focus sa Diyos, hindi sa discounts! Okay lang mamili, lalo na kung may matitipid ka, pero huwag nating hayaang makontrol tayo ng materialism.
Tandaan, ang totoong yaman ay hindi nabibili ng Buy 1 Take 1 kundi nakikita sa ating relasyon sa Diyos at sa kapwa. Kaya sa susunod na makita mo ang Black Friday ads, isipin mo: “Blessed Friday” dapat ito, hindi “Bankrupt Friday!”
Be wise, magpasalamat, at tandaan na si Lord ang ultimate provider ng lahat ng kailangan mo—hindi ang 50% off sale! Helpful ba ang information na ito? Please share! Don’t forget to like and follow our page.
To God be the glory!
MOBILE BIBLE SCHOOL INC FREE TO VIEW SUBJECTS
Paano Gumawa ng Organisadong Sermon Outline? Panoorin ang Step-by-step Method How to Make a Sermon Outline
Alam mo na ba ang ibig-sabihin ng Music? Praise? and Worship Mula sa Old and New Testament? Panoorin ng libre ang buong kurso patangkol dito.
One response to “Ano Nga Ba Yung Black Friday?”
-
Maraming salamat Po sa ibinahagi mong lesson tungkol sa Homelitics
LikeLike
Leave a comment