One True Service To God

Ang Tunay na Paglilingkod sa Diyos

𝐈𝐍𝐓𝐑𝐎: 𝐁𝐚𝐤𝐚 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐏𝐮𝐰𝐞𝐝𝐞!

May isang lalaki na nagngangalang Rico ang gustong maglingkod sa Diyos, kaya nag-pray siya, “Lord, gamitin Mo po ako sa gawain Mo.” Biglang may dumating na pastor at sinabing, “Kapatid, baka naman puwede kang magturo sa children’s ministry?”
Sagot niya, “Pastor, hindi po ‘yan ang calling ko.”
Dumaan ang youth leader, “Kapatid, baka naman puwede kang bang tumulong sa outreach?”
Sabi niya, “Hindi po ako gifted diyan.”
Hanggang sa dumaan ang leader sa cleaning, “Kapatid, baka naman puwede kang magwalis sa harap?”
Ang sagot niya: “Iba po kasi ‘yung leading ni Lord sa akin.” 😅

O diba ang galing? Ang galing umiwas! Marami kasi sa atin gustong maglingkod, pero gusto natin ‘yung comfortable at madali lang. Pero ang tunay na paglilingkod sa Diyos, hindi nakadepende sa convenience kundi sa commitment. Kaya ngayon, pag-uusapan natin ang TUNAY na paglilingkod sa Diyos!

“The best way to find yourself is to lose yourself in the service of others.” — Rick Warren

“Ang tunay na paglilingkod sa Diyos, hindi nakadepende sa convenience kundi sa commitment.” – Doc Rhoderick de Vera


I. We Serve God for a Great Reason (May Matibay na Dahilan ang Ating Pagsisilbi) – John 15:16

“Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang ko kayo upang kayo’y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo.” Juan 15:16

👉 “Naglingkod ka na rin lang, ‘wag mo nang sayangin sa walang kabuluhan!”

May tatlong bagay kung bakit tayo naglilingkod sa Diyos:

A. Scriptural Mandate (May Utos ang Diyos) – Mateo 28:19-20

“Kaya’t humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” Mateo 29:19-20

Huwag kang mag-alala kung hindi ka marunong magsalita o mahiyain. Kung nagagawa mong ipromote ang favorite mong k-drama, siguradong kaya mong ipromote si Cristo! “GO YE,” hindi “Sit ye.” Wag tayo magbingi-bingihan sa utos ni Lord gaya ng ginagawa ng iba dyan sa kanilang mga magulang. Pinapabangon pero nagtutulug-tulugan. Kaya dapat pag narinig mo ang boses ni Lord thru the scriptures wag tayo magbulag-bulagan a bingi-bingihan. Bangon at mag-akay ng kaluluwa, magpadisciple then ikaw naman magdisciple!

B. Spiritual Manner (May Tamang Paraan) – 1 Pedro 2:5

“Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, 1 Peter 2:5

Hindi lang tayo basta-basta nagsisilbi. Hindi ito para sa award, or paramihan sa likes, o sa validation ng tao. Hindi ka church influencer—servant ka ni Lord! kaya dapat ang life natin sa harap ni Lord kalugud-lugod

C. Sacrificial Method (May Sakripisyo Talaga) – Galacia 2:20

Kaya hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin. Galacia 2:@0

Kung ang relasyon nga, may nasasakripisyo, lalo na sa paglilingkod sa Diyos. Kapag gusto mo ng tunay na pag-ibig, magsakripisyo. Kapag gusto mong tunay na maglingkod, mas lalo kang magsakripisyo!

🛑 Ang totoong pagmamahal, hindi sinusukat sa saya kundi sa handang magsakripisyo. Ganon din sa paglilingkod sa Diyos!


II. We Serve God with a Great Responsibility (May Malaking Pananagutan ang Pagsisilbi) – Efeso 6:6-8

“Gawin ninyo iyan, may nakakakita man o wala, hindi upang mapuri ng mga tao kundi dahil kayo’y mga lingkod ni Cristo at buong pusong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, maging siya man ay alipin o malaya.” Efeso 6:6-8

👉 “Kung gusto mong maglingkod, dapat handa ka ring magpasan ng responsibilidad!”

A. There is a Call (Tinawag Ka) – 1 Corinto 7:20

 “Manatili ang bawat isa sa kalagayan niya nang siya’y tawagin ng Diyos.” 1 Corinto 7:20

Hindi mo ito pinili, ikaw ang pinili! Umibig ka ng isang tao hindi dahil gusto mo lang sya kundi dahil mahal ka din Niya. Gayon din naman, hindi ka nagmamahal kay Lord dahil lang gusto mo kundi dahil si Lord ang unang nagmahal sayo at tinawag ka ng Diyos magmahal din ng kapwa maging ang kaaway mo!

B. There is a Cause (May Dahilan) – Mateo 5:16

Bakit ka naglilingkod? Dahil gusto mo lang makilala? O dahil gusto mong makita si Cristo sa buhay mo? Di tayo tinawag para maging artista sa pelikula kundi kaya huwag tayong pa-famous to the world, kundi magsilbing ilaw o light of the world!

C. There is a Chasm (May Agwat) – Roma 12:1-2

Ang paglilingkod sa Diyos, hindi dapat gaya ng mundo. Kung paano ka sa mundo noon, iba na dapat ngayon! Huwag kang maglingkod na parang may hinihintay kang palakpak.

🛑 Ang tunay na nagmamahal, hindi lang nandyan kapag madali, kundi lalo na kapag mahirap. Ganon din sa paglilingkod!


III. We Serve God with Godly Requirements (May Tamang Pamantayan sa Pagsisilbi) – 1 Corinto 15:58

👉 “Hindi sapat na gusto mo lang maglingkod, dapat tama rin ang puso mo!”

A. Serve God with Humility (Magpakumbaba) – Gawa 20:19

Kung hindi ka marunong magpakumbaba, mahirap maglingkod. Ang bida sa church ay si Jesus, hindi ikaw!

B. Serve God from the Heart (Mula sa Puso) – Efeso 6:6

Hindi ka naglilingkod para sumikat. Minsan ang paglilingkod, parang pag-ibig—mas madalas kang masaktan, pero hindi ka sumusuko.

C. Serve God with Hope (May Pag-asa) – 1 Corinto 15:58

Kapag naglilingkod ka, hindi laging may recognition, may appreciation, o may prize. Pero may premyo ka sa langit!

🛑 Ang pag-ibig, kahit walang kapalit, itutuloy mo kung tunay. Ganon din ang paglilingkod sa Diyos!


𝐂𝐎𝐍𝐂𝐋𝐔𝐒𝐈𝐎𝐍:

Tuloy ko yung kwento ni Rico:

ANG TUNAY NA PAGSUNOD

Lumipas ang maraming taon, at patuloy na hinihintay ng ni Rico ang “tamang” oportunidad na ibibigay ng Diyos. Ngunit tila walang dumarating na malaking gawain para sa kanya. Sa halip, puro maliliit at tila simpleng responsibilidad lang ang iniaalok sa kanya—mag assist sa pagtimpla ng juice para sa meryenda ng mga bata sa church, tumulong sa pagdrive papunta sa outreach, ayaw nya magwalis kaya pinagdakot na lang sya ng basura sa church.

Dumating ang panahon na siya’y napagod at nagreklamo pa sya, “Lord, bakit hindi Mo pa ako ginagamit sa mas malaking gawain? Hindi ba’t gusto Kong maglingkod sa Iyo?”

Isang gabi, habang nagbabasa siya ng Biblia, napatapat siya sa Lucas 16:10

“Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay…”

Biglang bumalik sa isip niya ang lahat ng pagkakataong tinanggihan niya ang maliliit na gawain. Na-realize niya na paano siya pagkakatiwalaan ng Diyos ng mas malaking ministeryo kung sa maliliit na bagay pa lang ay hindi na siya handang sumunod?

Dahil sa matinding pagsisisi, nagdasal siya, “Panginoon, hindi ko na titingnan kung maliit o malaki ang gawain. Basta para sa Iyo, susunod ako.”

Kinabukasan, pumunta siya sa simbahan at tinanong ang pastor, “Pastor, may maitutulong po ba ako?”

Napangiti ang pastor at sinabing, “Sakto! Kailangan namin ng guro sa children’s ministry.”

Sa pagkakataong ito, hindi na siya tumanggi. Sinimulan niyang turuan ang mga bata, at sa kanyang pagkagulat, dito niya naranasan ang tunay na kagalakan sa paglilingkod. Hindi nagtagal, lumawak ang kanyang ministeryo—naging mentor siya sa kabataan, sya na ang nag-iinitiate sa pagpunta sa outreach kahit mag-isa lang nya na may dalang gitara, at kahit simpleng paglilinis sa church ay ginawa niya nang may kasiyahan at walang pagrereklamo.

Sa di inaasahang pagkakataon, nalipat ng ibang bansa ang kanyang pastor at siya ang napiling maging tagapanguna sa iglesia. Dumating ang mas malaking blessing na bigyan sya ng sariling sasakyan at bahay ng mga kapatiran mula sa ibang bansa dahil sa pagiging masugid nya sa kaharian ng Diyos at sa lahat ng gawain na iatas sa kanya na di tinitignan na utos ng tao kundi prebilihiyo na maglingkod para sa Diyos..

Minsan, ang hinihintay nating “calling” ay nasa harapan na natin, ngunit tinatanggihan natin dahil mukhang maliit. Pero ang Diyos, sinusubukan muna tayo sa maliit bago Niya ibigay ang mas malaki.

Kaya kapatid, huwag mo nang hintayin pang tumagal bago sumunod sa Panginoon. Baka ang matagal mong ipinagdarasal na ministeryo, nasa simpleng “paghakbang” lang pala ng pagsunod. 😉

𝐀𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐥𝐚𝐬𝐞 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐀𝐧𝐠 𝐆𝐢𝐧𝐚𝐠𝐰𝐚 𝐌𝐨?

👉 Maraming tao ang gusto lang ng title, pero walang tunay na commitment.
👉 Maraming tao ang gusto lang ng platform, pero walang passion para kay Jesus.
👉 Maraming tao ang gusto lang ng comfort, pero walang sacrificial heart.

Sabi ni Charles Spurgeon:

“If God calls you to be His servant, why stoop to be a king?”

Huwag nating gawing pabigat ang paglilingkod sa Diyos—gawin nating pribilehiyo ito! Tandaan: hindi mo kailangang maging sikat para maging tapat. Hindi mo kailangang maging malaki para maglingkod nang may malaking puso.

🔥 Sino ang ready na maglingkod nang may tamang puso?!

TO GOD BE THE GLORY

The Certificate in Biblical Studies (CBS) is a short-term course. It is designed for a student who is seeking a deeper understanding of the Bible. This is achieved through five core courses. It also focuses on its application in ministry. This program includes foundational biblical concepts. It covers interpretative methodologies and practical applications. Students are equipped to effectively study and teach Scripture in their ministry contexts.

CBS Short Term Course

Student’s Testimony

“I thank the Lord for the life of Pastor De Vera and the Mobile Bible School, Inc. for indeed it became an instrument for the Pastors like me na busy sa ministry to study and learn more about the Bible and Ministry. The self-pacing class without compromising the quality of biblical learnings offered by MBS ay napakalaking tulong dahil I can study in my own convenient time, dagdagan mo pa ng hands-on na pagpafollow up ni Pastor De Vera. Thank you very much, MBS! To God be the glory!” -Abegail Doquilo Factor (Sta. Maria (Ilocos Sur) Elohim Covenant Ministries, Inc.)

Program Highlights:
Total Credits: 15 units (5 courses)
Delivery: This program is 100% Online thru Zoom. You can also self-pace through video modules below.
Study Mode: Video lectures, online resources, and instructor support available on-demand, with interactive discussions via a Facebook Messenger group.

WATCH WHY AND WHEN A PASTOR NEEDS A LICENSE

Leave a comment

Leave a comment

"Your online friendly bible school."