
“I create evil” daw? Ano ‘yan, sinisisi ba natin si Lord as creator ng kasalanan? 😅 Yan ang mga tanong na maaari natin maisip kapag nabasa natin ang verse na ito specially sa King James Version ng bible. Ito rin ay madalas pagtalunan ng mga magagaling na studyante at kahit mga tagapgturo sa bibliya. Ngunit ano ba talaga ang ibig sabihin nito? Si God ba talaga ang “creator ng sin” dahil word-for-word natin na mababasa itong salitang “I create evil” ayon mismo sa mga salita Niya. Tara alamin natin!
1. Hala, Diyos daw ang nag-create ng evil? Talaga ba?
Eto ang verse:
“I form the light, and create darkness: I make peace, and create evil: I the Lord do all these things.”
— (Isaiah 45:7, KJV)
Pakinggan natin si Lord dito—parang sinasabi Niya:
“Hoy, huwag kang mag-alala, hawak Ko lahat. Pati kalamidad, under control Ko ‘yan.”
Hindi ito tungkol sa kasalanan o pagiging kontrabida si Lord. Iwasan natin maging praning at dogmatiko patungkol dito! Ang mga salitang “Bakit sinabi ni Lord “I CREATE EVIL” ayon sa sa Isaiah 45:7 kung di sya creator ng sin?” ay tanong at paniniwala ng mga di alam ang totoong context ng Isaiah 45:7 .
2. Context is key!
Eto ang context:
Si God, nakikipag-usap kay Cyrus (yes, Persian king, hindi si Miley Cyrus ha… 😂). Si King Cyrus ang gagamitin ni Lord para palayain ang Israel mula sa captivity. Sa Isaiah 45, pinapakita ng Diyos na Siya ang sovereign—sa lahat ng bagay, good or bad meaning nyan talaga – peace or calamity, at ito ay bahagi ng plano Niya dahil nga Sovereign God Sya! Wait paliwanag ko sa Hebrew word ang evil na binabanggit dyan sa verse…
3. “Evil” sa Hebrew—baka naman misunderstood?
Ang Hebrew word dito ay רָע (ra‘), at hindi nangangahulugan na kapag nabasa natin ito ay laging “kasalanan” ang ibig sabihin nyan. Depende sa context mga kapatid, ang ibig sabihin ay:
- Moral evil (kasalanan).
- Calamity (disaster, judgment, or maaaring problema sa buhay).
In short, sa Isaiah 45:7, ang “evil” ay kalamidad o paghihirap, hindi kasalanan. Parang sinasabi ni Lord:
“Crisis? Check! Judgment? Ako bahala. May purpose lahat ‘yan.”
4. Poetic parallelism tawag dito—may rhyming si Lord!
Sa biblical interpretation, mahalaga talaga alamin ang context. (May lesson tayo about this, check mo ang video sa pinakadulo ng article na ito patungkol sa FREE course na Hermeneutics.)
May tinatawag tayong biblical parallelism in as poetic expression lalo na sa Hebrew bible. Napakayaman ng Hebrew bible sa mga poetic expression at may tinatawag na pag aaral sa construction ng pagkakasunud sunod ng salita o “semantics” at ang tawag dito sa art of language ng pangungusap ni Lord kay Isaiah ay antithetic parallelism. Ito yung isang sentence or dalawa na binubuo ng magkabaliktaran na expression ng pagbuo ng salita. Sige bigyan kita ng example ng antithetic parallelism sa bible:
“A time to love, and a time to hate;
a time of war, and a time of peace.” Ecclesiastes 3:8
Pansin ba natin ang dalawang antithetical words?
“Love – hate “then next “war – peace” balance sya di ba sa magkabilang panig?
Ito pa isa sa New Testament meron din,
“For the wages of sin is death,
but the gift of God is eternal life through Jesus Christ our Lord.” Romans 6:23
Another antithetical words,
wages of sin – death and gift of God – life
Double parallel yan… dahi ang sin at death ay parallel na negative but not antithetical.
same sa gift of God – as life parehas silang positive
Pero kapag ianalyze natin silang dalawa against each other antithetical na sila bakit?
(wages of sin – death) is antithetical to (gift of God – and Eternal life) See the logic kapatid?
Ayan balik tayos sa main verse natin from Isaiah 45:7
Napansin mo ba ang sinabi? “I form the light, and create darkness: I make peace, and create evil:… not lets make a deep analytical study of this Hebraic poetry using antithetical semantic study:
| Positive | Negative |
|---|---|
| “I form the light” | “I create darkness” |
| “I make peace” | “I create evil” (as calamity) |
So balance lang, di ba? Light vs. darkness, peace vs. calamity (evil as calamity or disaster dahil ang kabaliktaran or antithesis ng word na “peace” ay “calamity or disaster” … hindi “sin“.
So imbalance naman kapag sabihin nating sin, tignan natin ito
| Positive | Negative |
|---|---|
| I form the light | I create darkness (kabaliktaran ng light) |
| I make peace | I create evil (Create Sin???) “create sin” ba kabaliktaran ng peace? See the clear logic” kaya mali na sin ang meaning ng hebrew word dito na “ra” or ang idea na “God create sin” Maling mali po ang idea na ito! |
Walang sinasabi dito tungkol sa pagiging creator ng sin si Lord. Nagpapakita lang Siya na Siya ang may kontrol sa lahat ng sitwasyon—good or bad.
5. Proof na hindi moral evil ang ibig sabihin ng evil sa Isaiah 45:7
“Shall there be evil in a city, and the Lord hath not done it?”
(Amos 3:6, KJV)
Dito rin sa verse na ginamit sa Amos 3:6, ang “evil” ay tungkol sa calamity. Example? Kung may bagyo o gyera, hindi ito aksidente. God allows calamities para magising ang tao. Hindi Siya ang source ng kasalanan, pero ginagamit Niya ang paghihirap para sa purpose Niya. That is also called “Divine Discipline,” ng Lord sa tao.
6. TANDAAN: Ang Diyos ay banal, hindi kontrabida
Paano natin masisiguro? Ganito:
“God is light, and in him is no darkness at all.” (1 John 1:5, KJV)
Ang Diyos, puro liwanag. Walang halong kasamaan o chismis. Kaya kung may “evil” sa mundo, ito’y bunga ng:
- Free will ng tao (Genesis 3).
- Panggugulo ni Satanas (John 8:44).
7. So, bakit “create evil” pa rin ang term?
Para ipakita na kahit sa worst-case scenario, may dahilan ang Diyos. Ginagamit Niya ang calamities para:
- I-judge ang wickedness (e.g., Flood ni Noah).
- I-discipline ang mga anak Niya (e.g., exile ng Israel).
- Ipakita ang kapangyarihan Niya (e.g., plagues sa Egypt).
In short, “May plano ako kahit sa gulo. Kaya “Chill ka lang.” 🙌
8. The ultimate solution? Si Jesus Christ!
Si Lord, hindi creator ng sin, pero Siya ang solution sa consequence ng sin!
“For he hath made him to be sin for us, who knew no sin; that we might be made the righteousness of God in him.”
(2 Corinthians 5:21, KJV)
Kung may evil sa paligid, si Jesus Christ ang sagot. God doesn’t cause sin—He defeats it through the power of His blood, his death and resurrection and hope in His coming again!
Panghuling banat (may wisdom pero chill):
Hindi si Lord ang “create mode” ng kasalanan—ang tao at si Satan ang expert diyan. Pero si God? Siya ang “fix mode” sa lahat ng gulo. Kaya kung may “evil” moments ka, baka parte ‘yan ng “plot twist” para sa redemption arc mo thru Jesus Christ!
ANO MASASABI MO? LEAVE A COMMENT BELOW!
Alam mo ba?
Pakana lang ni satanas ang idea na “God created sin” na madalas din sinasabi ng mga atheist na ang pinapaniwalaan nating Diyos ay di perfect or di absolutely good. Ang tawag dito ay Dystheism, na magdadala sa kanila ng idea na mainis at magalit kay God na tinatawag na Misotheism, tapos ang hantungan nito ay magkakaroon na sila ng paniniwalang Misanthrotheism, bago sila tuluyang maging athest o magkaroon ng paniniwalang Atheism. Nais mo ba malaman ang mga kahulugan nito? Yan ang susunod na artikulo.
Sabi nga nila “Bible must interprets itself” pero paano nga ba sisimulan ito at paano magiging maayos ang pagkakaunawa natin sa pag-interpret sa bible? GOOD NEWS! Panoorin mo itong libreng course ng HERMENEUTICS:
Paano Gumawa ng Organisadong Sermon Outline? Panoorin ang Step-by-step Method How to Make a Sermon Outline
Alam mo na ba ang ibig-sabihin ng Music? Praise? and Worship Mula sa Old and New Testament? Panoorin ng libre ang buong kurso patangkol dito.
It was a great opportunity for me to be able to study The Theology of Music. I am also grateful…
Done watching counseling 101. Praise God for this platform, We are able to learn things and to have self improvement…
Kindly check all video lesson here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLbJx7QpxsgfLufNxB3CFbrmskYbVxr62W
GOD BLESS US OUR MBS SCHOOL PO HAPPY GRADUATIONS MAY 2025 PO SIR.DEVERA,MAM.LEA..
Hi MBS, I am interested to enroll on this subject. I have tried many times to open the link form…
Leave a comment